Trading rules
Manipulasyon ng capital allocation
Hindi ka puwedeng magkalat, maglipat o mag-offset ng risk sa iba't ibang Traderscale account para lusutan ang limits na nalalapat sa iisang account.
Ano ang sakop nito
- Pagbukas ng pareho o correlated na instrument sa ibang account para mabawi ang lugi mula sa una.
- Pag-set up ng isang account para saluhin ang lugi habang nakaposisyon ang isa pa para kumita.
- Paggamit ng ilang account para bumuo ng exposure na hindi papayagan sa iisang account.
Halimbawa ng breach
| Oras | Account | Trade |
|---|---|---|
| 14:00 | Account A | Buy XAUUSD 3.0 lots. Floating loss na $2,000, malapit na sa daily limit |
| 14:15 | Account B | Buy XAUUSD 3.0 lots, parehong direksyon |
Hindi na kaya ng Account A ang mas maraming exposure nang hindi nabe-breach, kaya ipinagpatuloy ang posisyon sa Account B. 6.0 lots ang pinagsamang exposure, isang size na mabe-breach sana sa iisang account.
Ano ang sinusuri
Kita at lugi ng mga bukas na posisyon, equity ng account, timing ng entry, symbol, direksyon, pinagsamang size at activity sa iba mo pang account.
Posibleng resulta
Profit adjustment, payout rejection o breach ng account.
Kaugnay: Puwede bang magdagdag sa posisyong lugi? · Hedge trading · Ang $600,000 na capital limit
